Paano pigilan ang paglaganap ng Covid-19 (coronavirus) – Pagsusuri/test at Suporta o Tulong
Covid-19 test – paano ako makapagpareserba ng araw upang magpasuri?
Kung nakakaramdam ka ng mga sintomas, kailangan kang magpasuri kaagad upang matuklasan mo kung ikaw ay may Covid-19 (coronavirus)
Ang pagsusuri/test ay walang bayad at madali
Maaari kang humiling upang magpasuri sa gov.uk/get-coronavirus-test
Kung wala kang paraan na makagamit sa online na serbisyo (sa England):
- Tumawag sa 119
- Upang makakuha ng tagapag-salin sa iyong wikang salita, tumawag sa 119, pindutin ang 1, tapos pindutin ang 2.
- Mga bingi (gumagamit ng senyas) maaaring pumunta sa www.interpreternow.co.uk/nhs119
Maaari kang pumili ng lugar sa pagsuri/test:
- Kung saan ang pinakamalapit na lugar mula sa iyo.
- Pwede kang makakuha ng mga aparato gamit sa pagsusuri sa iyong bahay mismo kung wala kang paraan na makakuha ng lugar (mas matagal ang resulta sa paraang ito).
Maaaring pumili ng mga posibleng lugar sa araw ng iyong pagpareserba ng iyong pagpapasuri.
Bawal ang gumamit ng pampublikong sasakyan o taxi upang pumaroon sa mga lugar ng pagpapasuri-an. Bawal ang pagbisita sa ibang lugar o makipag-kita sa ibang mga tao.
Ang mga kawani sa Sentro na pinagpapasuri-an/Test site ay maaaring makakuha ng mga nakaka-unawa ng lenguahing senyas sa pamamagitan ng video.
Kinakailangang makapag-pasuri ka sa loob ng 8 na araw kung ikaw ay may sintomas. Kung ang pagsusuri ay gaganapin sa bahay, kailangang maisagawa ito sa loob ng apat na araw.
Ang paraan ng pagsusuri ay ang pagkuskos sa loob ng ilong at sa iyong lalamunan gamit ang mahabang patpat na may bulak sa dulo (cotton bud).
Matatanggap ang resulta sa pamamagitan ng text, tawag, o kaya email.
Ang mga impormasyon na tinipon patungkol sa iyo at sa iyong pagsusuri ay manatiling lihim ayon sa mahigpit na batas patungkol sa personal na pangangalaga sa tao at ito ay hiwalay mula sa iyong medical na detalye na nakatala sa NHS nakatalang NHS.
Anoman ang iyong katayu-an sa imigrasyon, ikaw ay may karapatan sa walang bayad na pagsusuri at pagpapagamot ng Covid-19 mula sa NHS. Walang pagsiyasat ang kinakailangan.
Tandaan:
- Magpareserba kaagad ng test kung ikaw ay may ubo, lagnat o nawalan ng pang-amoy at panlasa.
- Dapat kang mag-bukod samantalang naghihintay ng resulta ng iyong test. Kung positibo ang iyong pagsusuri, ibig sabihin ikaw ay may coronavirus.
Tunghayan ang aming mga polyeto para sa mga karagdagang kaalaman.
Pagsusuri at Pagsubaybay – ano ang mangyayari kung ako ay napalapit sa taong may Covid-19?
Kung ang resulta ng iyong pagsusuri ay positibo ng Covid-19 ang mga kawani ng NHS Pagsusuri at Pagsubaybay ay makikipag-ugnay sa iyo at alamin kung sino-sino ang iyong nakasalamuha sa loob ng dalawang araw bago nagsimula ang iyong mga sintomas.
Ang kawani ng Pagsusuri at Pagsubaybay ay:
- Tatawagan ka mula sa numerong ito 0300 013 5000 o
- Padalhan ka ng text mula sa ‘NHStracing’
- Hingin na ikaw ay mag-sign in sa website www.contact-tracing.phe.gov.uk kung maaari
Aalamin mula sa iyo ang mga:
- Completong pangalan, kapanganakan, at postcode ng iyong tirahan.
- Patungkol sa mga sintomas na iyong nararamdaman.
- Ibigay ang pangalan, telepono o email address ng mga taong napalapit sa iyo at kung ang iyong mga nakasalamuha ay edad na 18 pababa at kung ang mga ito ay nakatira sa labas ng England.
- Ipapaliwanag nila ang ibig sabihin ng “malapitang nakasama”
- Lahat ng iyong nakasalamuha ay sasabihang ibukod ang kani-kanilang sarili.
Ang Kawani ng Pagsusuri at Pagsubaybay ay pananatiliing lihim and iyong mga detalye at hindi malalaman ng mga tinukoy mong mga tao kung sino ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanila.
Hindi kailanmang hihilingin na:
- Tawagan ang mahal na singil ng telepono gaya ng (numerong nagsisimula sa 09 o 087)
- Pamunuan ang iyong computer o kaya magdownload ng isang programa ng computer
- Bayaran ang isang bagay o hilingin ang numero o detalye ng iyong banko
- Kunin ang iyong mga passwords, PIN o kaya pangalan sa social media.
- Puntahan ang mga website maliban sa gov.uk or nhs.uk website.
Ang kawani ng Pagsusuri at Pagsubaybay ay maaaring tumawag o magpadala ng text bilang abisu kung umabot sa kanilang kaalaman na ikaw ay napalapit o nakasalamuha ang taong may Covid-19 at hihilingin nila na ibukod ang sarili sa loob ng 10 na araw.
Sa loob ng 10 na araw, kung nakaramdam ng sintomas, kinakailangang magpasuri kaagad.
Tulong at Suporta – ano ang kaukulang tulong para sa akin kung ako ay nagbubukod?
Kung ang resulta ng iyong pagsusuri ay positibo at kinakailangang magbukod sa kadahilanan na ikaw ay napalapit sa taong may coronavirus, abisuhan ang iyong amo na hindi ka maaaring pumasok sa trabaho.
Maaari kang makakuha ng sulat ng pagdispensa mula sa www.111.nhs.uk/isolation-note.
Kung hindi ka makakuha ng bayad sa pagkakasakit mula sa iyong amo, maaari kang makakuha ng benepesiyo gaya ng Statutory Sick Pay (SSP) mula sa unang araw ng pagbubukod.
Kung hindi ka kabilang sa mga taong maaaring makatanggap ng Statutory Sick Pay (SSP) halimbawa, ikaw ay may sariling negosyo, ikaw ay maaaring lumapit sa (ESA Employment & Support Allowance) Suporta sa pagkahinto sa trabaho o kaya mula sa (UC Universal Credit) Pangkalahatang Benepesiyo.
Pumunta sa www.gov.uk/statutory-sick-pay/eligibility para sa karagdagang detalye o kaya para sa pribadong payo at tulong, tumawag sa (Citizen’s advice Consumer) sa kanilang Helpline sa 0800 144 8848 mula (9 am – 5 pm Lunes hanggang Biyernes) pindutin ang numero 4 (Mayroong mgaTagasalin sa iyong sariling salita o wika upang maunawaan ng maayos ).
Kung kailangan mong mamili ng pagkain at gamut, maaari kang mamili sa online at hilingin mong iwan ang iyong pinamili sa labas ng iyong bahay o kaya sa labas ng iyong pintuan.
Kung hindi ka makakapamili sa online, at kinakailangan mo ng tulong upang makabili ng pagkain at gamut, o kaya kailangan mo ng pera, may mga Kawang-gawa at taong-bayan na makakatulong na nasa sa iyong lugar.
Kung hindi mo kakilala ang mga ito, makipag-ugnay sa mga lokal na lupon, simbahan o mga rehistradong kawang-gawa. Maaaring ka din na humingi ng tulong sa kaibigan. Kailangan mong tumawag o mag-email.
Kung mabuti-buti ang iyong pakiramdam, subukan mong maging abala habang ikaw ay nasa loob ng bahay.
Tulong at Suporta sa panahon ng coronavirus pandemya – Impormasyon para sa mga mamamayan ng Devon
Kung sumama ang iyong pakiramdam at kinakailangan ng payo tungkol sa mga sintomas ng coronavirus, tumawag kaagad sa 111 o kaya pumunta sa 111.nhs.uk
Kung kailangan mo ng tulong sa pagkain, pera, gamut o payo at pagtangkilik, pumunta sa www.devon.gov.uk/coronavirus-advice-in-devon/communities.
O kaya tumawag sa Sentro ng Pamayanan sa Distrito ng konseho (District Council Community Hub)
- East Devon (East Devon): 01395 571500
- Exeter: 01392 265000
- Mid Devon (Mid Devon): 01884 234387
- North Devon (North Devon): 01271 388280
- South Hams (South Hams): 01803 861297
- Teignbridge: 01626 215512
- Torridge: 01237 428700
- West ng Devon (West Devon): 01822 813683
Para sa walang bayad, walang kinikilingan at mapagkakatiwalaan na payo upang makatulong na mapagtagumpayanan ang iyong mga suliranin kabilang na patungkol sa mga benepisyo, pumunta sa www.cabdevon.org.uk o tumawag sa Citizen’s Advice Consumer Helpline 0800 144 8848 mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 8am-8pm at sa Sabado mula 9am – 1pm. Pindutin ang numerong 4.
Maliban doon, kung kinakailangan mo ng tulong dahil ikaw ay nag-iisa, mangyaring tumawag sa Devon coronavirus Emergency Helpline sa 03451551011 bukas sila mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 8am-8pm at Sabado mula 9am-1pm.
Manatili sa linya para makausap ang tagapayo. Ang mga tagapayo ay maaaring makakuha sa telepono ng mga tagasalin ng iyong wika.
Ang mga bingi ay maaaring gumamit ng tagasalin na diretso sa: www.devon.gov.uk/help/contact-us/british-sign-language
Listahan ng mga samahan ng komunidad ng Devod ay matatagpuan sa devon.cc.communitygroups.