Skip to content

How to stop the spread of Covid-19 in Tagalog


Paano Pigilin ang paglaganap ng Covid-19 (coronavirus)

Language: Tagalog / Isinalin sa wikang Pilipino

Ano nga ba ang Covid-19?

Ang Covid-19 ay ang bagong corona virus. Ito ay lubhang nakakahawa

Karamihan sa mga tao ay wala o kaya may bahagyang sintomas, subalit maaaring ding magdulot ito ng pang-matagalang karamdaman o kaya kamatayan sa mga ibang tao.

Ang mga taong na-apektuhan ng malala ng Covid-19 ay ang mga matatanda (lalo na ang mga may edad na 70 pataas) at mga taong may mga karamdaman kagaya ng Diabetes, labis ang timbang, may sakit sa baga, bato, atay at sakit sa puso o kaya mga taong mahina ang resitensiya at pangangatawan, malalang sakit na may kaugnayan sa utak gaya ng Parkinson’s disease o kaya mga taong nag-gagamot at mga buntis.

Bagaman hindi karaniwan na apektado ang mga kabataan o malulusog ang pangangatawan, sila ay maaari din mahawaan at magkasakit.

Kung tumaas ang bilang ng mga taong apektado ng Covid 19 sa isang lugar, maaaring magsara ang mga paaralan at mga pamilihan kagaya ng nangyari noong nakaraang Marso 2020

Maaari kang makatulong na pigilan na lumala ang pagkalat ng Covid-19

‘Pagdistansiya sa ibang tao – Bakit ito mahalaga?

 

Angkop na kalinisan at paglagay ng pagitan o distansya ay makakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng Covid-19.

Ito ang mga dapat gawin:

  • Panatiliin ang dalawang metrong pagitan sa ibang tao.
  • Magsuot ng takip sa mukha sa loob ng mga lugar na pambubliko gaya ng sa mga pagamutan, pamilihan, pribado o pampublikong sasakyan.
  • Hugasan mabuti at palagi-an ang mga kamay sa loob ng dalawampung segundo gamit ang sabon at tubig.
  • Gumamit ng kimikong panglinis sa mga kamay kung walang sabon at tubig.
  • Saluhin ang ubo at bahing sa tisyu at itapon ito ng maayos.
  • Iwasang mahawakan ang mga mata, ilong at bibig.
  • Huwag hawakan ang takip sa iyong mukha habang ito ay naka-suot.
  • Limitahan ang bilang ng tao na makakahalubilo na hindi kasama sa iyong sambahayan.
  • Iwasan ang mga lugar na matao.
  • Magplano ng maaga at humandang umuwi sa bahay kung ang lugar ay masyadong matao.
  • Magtrabaho sa bahay kung maaari

Maaaring kang bumuo ng “suporta sa loob ng iyong bubble” halimbawa pakikipag-ugnay sa ibang sambahayan kung ikaw ay nag-iisa sa iyong bahay o kaya nanga-ngailangan ka ng mag-alaga sa iyong mga bata. Limitahan ang pakikipagugnay sa mga taong hindi kasama sa loob ng iyong pangkat.

Ang mga alituntunin patungkol sa kung ilang tao lang ang maaari mong makakasalamuha at mga lugar na maaaring mapuntahan ay pabago-bago, kaya sikaping maging maagap sa mga pagkalap ng mga napapanahong impormasyon.

Takip sa mukha – Bakit ito mahalaga?

Maari mong ikalat ang Covid-19 na hindi mo namamalayan at may mga taong walang sintomas o bahagya lang ang sintomas.

Kung tayo ay huminga at magsalita, pinapakawalan natin ang maliliit na patak ng ating laway. Kung ikaw ay may Covid-19, ang virus ay nasa sa mga patak na kumakawala mula sa iyo

Ang takip sa mukha ang nagsisilbing taga-salu sa mga patak na laway upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19..

Ang takip sa mukha ay hindi panang-galang sa Covid-19

Magsuot ng takip sa mukha sa loob ng pampublikong lugar gaya pagamutan-NHS, pamilihan, pribado o pampublikong mga sasakyan.

Maaaring tanggalin ang takip sa mukha habang kumakain o umiinom.

May mga taong hindi kinakailangan magsuot ng takip sa mukha sa kadahilanan ng kalusugan o kapansanan.

Ang mga batang edad na onse (11) pababa ay hindi kinakailangang magsuot ng takip sa mukha.

Makakabili ng takip sa mukha na tela o kaya gumamit ng bandana. Maaari ding gumawa ng takip sa mukha na gawa sa t-shirt.

Kinaka-ilangang may dalawang patong ang ginawang takip sa mukha at maaaring isukbit sa likod ng mga tainga o itali mula sa likod ng ulo.

Mahalagang matakpan ang iyong ilong at bibig sa lahat ng oras at walang siwang sa palibut na gilid ng takip sa mukha.

Tandaan:

  • Huwag hawakan ang iyong mukha o ang tela kung nakasuot ang takip sa mukha.
  • Palitan ang takip sa mukha kung ito ay mamasa-masa na.
  • Tanggalin ang takip sa mukha na huwag masagi ang harap nito.
  • Ilagay ang takip sa mukha sa isang supot pagkatapos gamitin at itapon ng maayos.
  • Kung ang iyong takip sa mukha ay maaaring gamitin muli, dapat itong labhan sa tubig at sabon pagdating sa bahay.
  • Kinakailangan magkaroon ng higit na dalawang takip sa mukha, na reserba ayon sa iyong trabaho.
  • Patuloy ang palagi-ang paghugas ng mga kamay.

Tuklasin ang karagdagang impormasyon

Pagbukod sa sarili – ano ang dapat kong gawin kung sa aking pakiramdam ay mayroon akong Covid-19?

Kung makaramdam ng mga sintomas na ganito::

  • Bago at walang hintong pag-ubo
  • Nilalagnat o mataas na temperatura
  • Kawalan ng pang-amoy at panlasa

Manatili sa loob ng bahay (ibukod ang sarili) at magpabook ng Covid test sa: www.gov.uk/get-coronavirus-test o tumawag sa numero 119. Huwag lumabas ng bahay samantalang naghihintay ng resulta ng pagsusuri.

Ang ibig sabihin ng pagbukod sa sarili ay:

  • Bawal pumunta sa trabaho, eskwelahan, o pampublikong lugar.
  • Bawal sumakay sa mga sasakyang pampubliko o mga taxis
  • Bawal lumabas upang bumili ng pagkain o gamot
  • Bawal tumanggap ng bisita sa iyong bahay o kaya lumabas at makihalubilo o kaya mag-ehersisyo.

Kung ang iyong resulta ay positibo, kinakailangang ibukod ang sarili sa loob ng di kukulangin sa sampung araw. Ito ay dagdag sa una ng naitala na mula pitong araw

Lahat ng kasambahay ay kinakailangang magbukod ng sarili ng di kumulang sa 10 na araw mula sa araw na pagkaramdam ng mga sintomas.

Kung ang resulta ay negatibo, ikaw at ang iyong lahat na kasambahay ay maaari ng huminto sa pagbukod ng sarili.

Kung pagkatapos ng sampung araw, ikaw ay nakakaramdam ng ubo, kawalan ng pang-lasa at pang-amoy, kinakailangang ipagpatuloy mo ang pagbukod sa sarili hanggang ikaw ay gumaling.

Hindi kinakailangang magbukod kung ang iyong ubo o kawalan ng panglasa at pang-amoy ay palagian.

Kung ang mga ibang kasambahay ay nagkaroon ng sintomas samantalang nagbubukod kasabay mo, kinakailangan magpasuri at kinakailangang magpatuloy na magbukod ng karagdagang di kumulang sa sampung araw.

Samantalang nagbubukod dahil sa Covid-19, lahat ng kasambahay ay kinakailangang:

  • Manatili sa hiwalay na kuwarto, kung maaari.
  • Panatiliing bukas ang mga bintana upang makalanghap ng sariwang hangin
  • Iwasang makisabay sa banyo, at kusina kung maaari.
  • Kung ang kusina o banyo ay para sa lahat ng kasambahay, sikaping huwag makisabay sa paggamit nito at linising mabuti pagkatapos gumamit sa mga ito. Makakatulong ang pag gawa ng rota.
  • Huwag makigamit ng tuwalya, damit o kaya iba pang mga gamit.
  • Patuloy ang palagiang paghugas ng mga kamay.

Kung sumama ang pakiramdam at kinakailangan ng payong medical

tumawag sa numero 111 o bisitahin ang 111.nhs.uk

  • Ang mga gumagamit ng sign language, bisitahin ang website na ito www.interpreternow.co.uk/nhs111
  • Sa oras ng lubhang pangangailangan, tumawag sa 999 o pumunta sa emergencysms.net kung ikaw ay bingi o mahina ang pandinig
  • Kung ikaw ay nakabakasyon, alamin sa Tourism Charter para sa karagdagang gabay at makipag-ugnay sa may-ari ng iyong tinitirhan. Maaaring matagpuan ang Tourism Charter sa ating website.

Top